ILOILO CITY – Patay ang isang lalaki matapos nag-amok matapos binaril ng pulis sa plaza ng Oton, Iloilo.
Ito ay si Marjune Milar, 36, residente ng Barangay Buray, Oton, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Fernand Limbungan, hepe ng Oton Municipal Police Station, sinabi nito na nakatanggap sila ng reklamo na may pulis na nag-amok sa kanilang barangay.
Tumakbo ang lalaki hanggang sa makarating ito sa plaza ng bayan na may dalang kutsilyo.
Ayon kay Limbungan, tinangka ng lalaki na saksakin si Police Corporal Mark Vienard Villanueva na rumesponde sa insidente.
Dito at nagdesisyon na lang si Villanueva na barilin si Milar sa tyan na dahilan ng kanyang pagkamatay.
Napag-alaman na tatlong araw na walang kain at halos hindi rin makatulog si Millar bago ang insidente.