KORONADAL CITY – Mistulang dinurog na prutas ang naging mukha ng isang lalaki matapos nagulongan ang ulo nito sa nangyaring aksidente sa daan sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Kinilala ang naturang biktima na si Julius Pelipid, nasa legal na edad at residente ng Brgy. Tasiman, Lake Sebu.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Surallah PNP, inutusan umano si Pelipid na bumili ng baka sa naturang barangay ngunit pagsapit sa Prk. Sampaguita, Brgy. Colonggolo ay nakasalpukan nito ang isa pang motorista na kinilalang si Rene Pagulong.
Sa lakas ng impact ay tumilapon si Pelipid at isang sasakyan umano na mula sa kabilang direksyon ay aksidenteng nagulongan ang ulo ng biktima na naging dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.
Kasalukuyang ginagamot sa bahay-pagamutan si Pagulong dahil sa mga natamo nitong sugat at nasa kritikal ang kondisyon.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Surallah PNP kaugnay sa insidente.