ROXAS CITY – Patay ang 23-anyos na lalaki matapos na diumano nahulog sa patrol car ng Pontevedra Municipal Police Station sa Barangay Tacas, Pontevedra Capiz.
Kinilala ang biktima na si Erwin Patanao ng Barangay Rizal sa naturang bayan.
Sa interview ng Bombo Radyo kay Police Major Christopher Candelario, hepe ng Pontevedra Municipal Police Station sinabi nito na naaksidente sa kalsada ang pinsan ni Patanao dahila na inimbita itong pumunta sa Pontevedra Municipal Police Station upang magbigay ng ilang detalye at ipinasakay sa patrol car ng mga pulis.
Ayon kay Candelario na habang binabaybay ng patrol car ang daan ay bigla na lamang nahulog sa sasakyan ang biktima.
Nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima na agad dinala sa Bailan District Hospital ngunit binawian rin ito ng buhay.
Nabatid na mag-isa lamang ito sa likod ng patrol car ang biktima nang mangyari ang aksidente.
Naniniwala naman ang mga pulis na posible tumalon ang biktima sa sasakyan dahil sa sobrang kalasingan.
Sa ngayon nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis sa nangyaring insidente.
Samantala, labis naman ang kalungkutan na nararamdaman ng pamilya ng biktima kung saan humihingi sila ng hustisya sa pagkamatay nito.