-- Advertisements --
ILOILO CITY- Patay na nang matagpuan ang isang lalaki matapos nalunod sa dagat sa Panobolon, Nueva Valencia, Guimaras.
Ang biktima ay si Rex Ramos, 38, residente ng Guiwanon, Nueva Valencia, Guimaras.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Loren Gallarda, sinabi nito na kasapi ng bantay dagat ang biktima.
Ayon kay Gallarda,mula sa Panobolon si Ramos kasama ang dalawang iba pa at patungo sana ang mga ito sa Cabalagnan nang nahulog ito sa pump boat.
Dagdag pa nito, mabilis ang takbo ng pumpboat na posibleng dahilan kung bakit nahulog sa dagat ang biktima.