-- Advertisements --

Inaalam pang mabuti ng mga kapulisan ng Quezon City ang pagkakakilanlan ng isang lalaki na pinagbabaril kaninang madaling araw.

Sa ginawang imbestigasyon ng mga kapulisan, nakarinig sila ng hanggang walong putok ng baril at pagkatapos noon ay nakita ang lalaking nakahandusay sa gilid ng kalsada.

Hindi naman nakita sa lugar ang mga suspek na tumakas matapos ang insidente.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nasabing insidente.