-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki na nakatambay lamang umano sa tabi ng kalsada sa Brgy. Sagrada, Baao CamSur matapos pagbabarilin ng riding in tandem suspects.

Kinilala ang biktima na si Divino Eimor Agbay Sotto, 29-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Santos Tagomata, Chief of Police ng PNP-Baao, sinabi nitong nakaupo ang biktima sa tabi ng kalsada nang dumating ang dalawang armadong lalaki na lulan ng motorsiklo at pinaulanan ito ng bala ng baril.

Dahil dito nagtamo ng tatlong tama ng bala ang biktima na tumagos sa katawan nito.

Dinala pa sana ang biktima sa ospital ngunit binawian na ng buhay.

Sa ngayon inaalam pa ng kapulisan ang motibo sa pamamaslang sa biktima habang nagpapatuloy naman ang hot pursuit operation ng mga otoridad para madakip ang mga suspek.