NAGA CITY – Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa pamamaril patay sa isang lalaki sa Iriga City, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Col. Alejandro Monge II, hepe ng Iriga Municipal Police Station, sinabi nito na habang nakikipag-inuman ang biktima na kinilalang si Alex Iglesia, 39-anyos, ay bigla na lamang itong pagbabarilin.
Ayon kay Monge, nakita umano ang suspek ng mga kainuman nito ngunit hindi ito nagawang mamukhaan dahil nakasuot ito ng bonet.
Habang ayon kay Monge base sa kanilang imbestigasyon sinabi umano mismo ng barangay kapitan ng kanilang lugar na posibleng residente lamang ng lugar ang nasabing suspek.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.