-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Roberto Balmaceda, 55 anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, napag-alaman na habang natutulog si Balmaceda sa loob ng Jose Panganiban Fishport ng biglang dumating ang suspek na si Antonio Jurado, 52 anyos, residente ng nasabing lugar at bigla na lamang pinagsasaksak si Balmaceda gamit ang isang kutsilyo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagtamo ng dalawang tama sa dibdib si Balmaceda na agad namang dinala sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.