-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos na tagain ng sarili nitong kapatid sa Barangay Lower Hiraan, Carigara, Leyte

Kinilala ang biktima na si Jessie Bactol, 32 taong gulang.

Samantala kinilala naman ang suspek na si Efren Bactol, 37 taong gulang at nakakatandang kapatid ng biktima.

Ayon kay PSMSgt Niño Gervacio, imbestigador ng Carigara PNP, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon na sumulong ang biktima sa bahay ng kaniyang nakababatang kapatid na kung saan naghamon ito ng away.

Dahil parehong nakainom ang magkapatid ay nagkasagutan ang mga ito na nagresulta sa pagkuha ng itak ng suspek at biglang tinaga sa leeg ang kaniyang kapatid.

Nagresulta naman ito sa kaniyang agarang pagkakamatay.

Boluntaryo namang sumuko sa mga kapulisan ang suspek at ngayon ay nahaharap sa karampatang kaso.