-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagtatagain sa Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Felix Oseña Pecito, residente ng Brgy. Ilayang Ilog B sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang natutulog ang biktima sa isang upuan matapos mag-inuman ng bigla na lamang itong pagtatagain ng suspek na kinilalang si Alyas Manuel, 46-anyos, residente ng nabanggit na lugar na pinaghihinalaang nasa ilalim ng impluwensiya ng alak.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa kanyang leeg ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan.