-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang 43-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng kainuman sa Barangay Duyoc, Dao, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Julito Esteban na nagtamo ng sugat sa dibdib.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Dao Police Station na magkasamang nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Apolonio Olano 52-anyos ng magkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawan.

Kaagad na sinaksak ng suspek ang biktima sa dibdib na nagging dahilan ng pagkamatay ni Esteban.

Samantala sobrang kalasingan ang motibo sa krimen.