-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang lalaki sa nangyaring aksidente sa Brgy. Bil-loca sa lungsod ng Batac.

Nakilala ang biktimang 30-anyos, residente ng Brgy. Barani sa lungsod ng Batac ngunit kasalukuyang nakatira sa Brgy. Baay sa nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ng PNP-Batac, patunong hilagang direksyon ang biktima gamit ang kanyang nmax 155 na motorsiklo.

Samantala, ng nakarating ito sa kurbadong daan ay nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima at bumangga sa concrete barrier.

Dahil dito, nabali ang kanang braso ng biktima, matinding sugat sa ulo at sa iba’t-ibang parte ng katawan nito.

Lumalabas na bago mangyari ang aksidente ay nanggaling ang biktima sa isang inuman sa Brgy. Naguirangan sa lungsod ng Batac.