-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Dahil sa hindi pagkakaunawaan sa ambagan sa “tuba” ang pinapaniwalaang dahilan upang pagtatagain hanggang sa mapatay ang isang 27-anyos na lalaki ng sariling kapatid habang nag-iinuman dakong alas-9:45 nitong Huwebes ng gabi sa Brgy. Buenafortuna, Nabas, Aklan.

Agad na binawian ng buhay ang biktimang si Archiel Sabejano, 27, dahil sa tinamong sugat sa leeg at likod ng baywang, samantala ang suspek na naaresto ay nakilalang si Anthony Sebejano, 30, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Ayon kay P/Cpl. Andrew Andrade ng Nabas Police Station na niyaya ng suspek ang kanyang nakababatang kapatid na mag-inuman, ngunit nang tumangging magbigay ng ambag ang biktima ay nagalit ang kuya hanggang sa maganap ang krimen.