-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang menor de edad na suspek sa pagtaga-patay sa kanyang sariling kapatid sa Purok Malipayon, Brgy. San Isidro, Labangan, Zamboanga Del Sur.

Kinilala ang biktima na si Edelito Renido Peras 19, residente ng naturang lugar, samantalang ang suspek ay itinago sa pangalang Dodong, 11.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Labangan PNP, napag-alaman na nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at ang suspek.

Sa kalagitnaan ng kanilang mainit na pagtatalo ay bigla na lamang tinaga ng bata ang kanyang nakakatandang kapatid.

Nagtamo ng sugat sa mukha ang biktima na agad na dinala sa pinakamalapit na ospital ngunit makalipas ang ilang minuto ay namatay din.

Napag-alaman na sinubukan pang tumakas ng bata ngunit kalaunan ay sumuko din sa barangay kagawad ng kanilang lugar.