-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki matapos na magpatiwakal sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Edstone, 24-anyos, residente ng Brgy Pahinga Norte, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang wala ng buhay na kawatan ng biktima ng kanyang mismong ama na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na bago ang insidente nagkaroon umano ng problema si alyas Edstone sa kanyang live-in partner na pinaniniwalaang dahilan sa pagpapatiwakal nito.

Samantala, wala namang nakitang foul play ang mga kapulisan sa nasabing pangyayari.

Sa ngayon, nagpa-alala na lamang ang mga otoridad sa publiko na kung enkaso mayroong pinagdadaanan ay huwag idaan sa pagkitil sa sariling buhay dahil hindi umano ito solusyon sa problema.