-- Advertisements --
CEBU CITY – Patay ang isang lalaki sa Cebu matapos malunod makaraang iligtas ang pamangkin na nalulunod din sa bayan ng Asturias.
Kinilala ang nasawi na si Wendell Quiaot, 34, mula Balamban.
Ayon kay police Master Sgt. Bryan Alarcon ng Asturias Municipal Police, sumugod sa dagat si Quiaot nang makitang nalulunod ang pamangkin na si Mark Kenneth Quiaot.
Malakas na alon dulot ng masamang panahon ang sinasabing sanhi ng pagkaanod ng nakatatandang Quiaot.
Agad naman daw naisugod sa malapit na pagamutan ang biktima ngunit binawian din ng buhay.