LA UNION – Patay ang isang mister sa pamamaril ng bayaw nitong dating sundalo dahil sa away umano sa lupa bandang alas-2:07 nitong Sabado ng hapon sa Brgy. Bangcusay, San Fernando City, La Union.
Nakilala ang namatay na biktima na si Feliciano Florentino, habang ang suspek ay si Nilo Espinila, 61, kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo La Union kay Gng. Tita na biyuda ng biktima, sinabi nito na nasa bayan ito nang mangyari ang pamamaril.
Ayon pa sa kanya, matagal na umano silang pinagbabantaan ng kanyan kapatid na suspek na papatayin dahil umano sa away sa lupa.
Sa ngayon, patuloy pa ang ginagwang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) kung ilan ang tama ng bala sa katawan ng biktima at sa kalibre ng baril na ginamit kung saan sinasabing ito ay nawawala.