-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang Habal-habal driver sa pamamaril sa syudad ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Kevin Cabello na residente ng Moon Street Barangay Rosary Heights 8 Cotabato City.

Ayon sa ulat ng pulisya na sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo ng itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin na sakay rin ng motorsiklo.

Naisugod pa ang biktima ng mga nagrespondeng pulis sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Peronal na alitan o atraso ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.