-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang lalaki sa pamamaril nitong gabi ng Lunes sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Johnny Sapal Kubato,42 anyos,may asawa at residente ng Gonzalo Javier Street Barangay Rosary Heights 7 Cotabato City.

Ayon kay Lieutenant Colonel Carmelo Mungkas Jr tagapagsalita ng Cotabato City Police Office (CCPO) na lulan ang biktima ng kanyang kotse di kalayuan sa kanyang tahanan ng itoy dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng town proper.

Agad dinala ang biktima ng kanyang pamilya at mga kamag-anak sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Matatandaan na noong 2019 ay binaril ang biktima ngunit napatay nito ang mga suspek.

Nasundan ito noong 2020 at pinakahuli ay kagabi kung saan siya ay nasawi.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaril patay sa biktima.