-- Advertisements --

Nakilala ang biktima na si Jonathan Esparagoza, 45- anyos,may asawa at residente ng Barangay South Manuangan Pigcawayan Cotabato.

Ayon kay Pigcawayan Chief of Police Major Carl Jayson Baynosa na naglalakad lamang ang biktima sa Barangay Simsiman sa bayan ng Pigcawayan nang lapitan ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang suspek at sumakay umano ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama.

Agad binawian ng buhay si Esparagoza nang magtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pigcawayan PNP sa pamamaril patay sa biktima.