-- Advertisements --

Patay ang isang 25-anyos na binata matapos ang naganap na sunog sa Bagong Silang, sa lungsod ng Caloocan.

Sumiklab ang sunog pasado alas-12 ng hatinggabi nitong Biyernes sa Barangay 176, Caloocan City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection na ang biktima ay tauhan ng isang tindahan ng LPG.

Hindi umano na ito nakalabas dahil sa himbing ng tulog nito habang nadamay sa sunog ang pinagtatrabahuana nito.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing naganap na sunog.