-- Advertisements --

Lalaki pinagbabaril patay sa Kidapawan City

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang lalaki sa pamamaril alas 6:05 nitong gabi ng Lunes sa Kidapawan City.

Ang biktima ay hindi pa tinukoy ng pulisya ang pagkakilanlan nito.

Tinatayang nasa 40-50 anyos ang edad ng lalaki, nakasuot ito ng kulay asul na maong na pantalon, maroon na sweatshirt at puting sombrero.

Ayon sa mga residente malapit sa Mateo Bridge Crossing Oroberde Barangay Sikitan Kidapawan City ay nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril at isang sasakyan ang mabilis na umalis.

Tumawag ang mga sibilyan ng pulis kaya agad itong dumating sa lugar.

Nagtamo ng tama ng bala sa likod at ulo ang biktima kaya agad itong binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Peter Pinalgan sa pafmamaril patay sa biktima.