-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang 50 anyos na lalaki sa pamamaril sa Kidapawan City.

Nakilala ang biktima na si Max Salikan at nakatira Purok 4-D Barangay Lanao Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City Chief of Police, Lieutenant Colonel Ramel Hojilla na pinasok ng hindi kilalang suspek ang biktima sa loob ng kanyang bahay at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang suspek at sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama.

Naisugod pa ang biktima sa ospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng tatlong tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa pamamaril patay sa biktima.