-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang lalaki sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Totin Idzlah Kasan alyas Tots,32 anyos,may asawa at residente ng Barangay Baka Datu Pinguiaman Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Ayon sa ulat ng pulisya na palabas ng kanyang bahay ang biktima ng itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.
Agad namang tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Cotabato City.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima kaya agad itong binawian ng buhay.
Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.