-- Advertisements --

NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki na suspek sa pananaga sa isang lalaki sa Barangay Mapid, Lagonoy, Camarines Sur.

Kinilala ang suspect na si Samson Villamor Ambrocio, 50-anyos.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa PNP-Lagonoy, napag-alaman na pauwi na sana ang biktima na si Eddie Bermejo Bas mula sa kanyang bukirin ng sirain umano nito ang bakod ng bahay ng suspek.

Dahil dito nanggalaiti sa galit ang suspek at agad na pinagsasaksak ang biktima.

Una rito, napag-alaman na lango sa alak ang biktima nang mangyari ang paninira sa naturang bakod.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang biktima na agad namang itinakbo sa hospital.

Samantala , kusa namang sumuko ang suspek sa mga pulis matapos ang insedente.