-- Advertisements --

TACLOBAN CITY — Patay ang isang lalaki matapos itong pagsasaksakin sa national highway ng Barangay San Roque, Tanauan Leyte.

Ayon kay Pol. Capt. Dinky Boy Bardillion, hepe ng Tanauan Police Station,ang biktima ay kinilala na si lan James Candela, 47 anyos, residente ng San Vicente Tolosa, Leyte samantala ang suspek naman ay kinilala na si Constanciano Lumanta, 45 anyos at residente ng Barangay Gen. Roxas Dulag, Leyte.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan, umiinom ng kape ang biktima sa isang bakery malapit sa tinitirahan ng suspek ng bigla silang magpang abot.

Nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo at di nagtagal ay kumuha ng kutsilyo ang suspek at bigla nalang nitong sinaksak ang biktima.

Nagtamo ito ng dalawang sugat sa kanyang katawan na nagresulta naman ng kanyang pagkamatay.

Napapag alaman na matagal ng may galit ang suspek sa biktima dahil pinagseselosan niya ito at pinaghihinalaang niyang karelasyon nito ang kanyang asawa.

Sa ngayon ay nakakulong na ito sa Tanauan Police Station lock up facility at nahaharap sa kasong murder.