-- Advertisements --
ROXAS CITY – Pinagsasaksak hanggang mamatay ang 46 na taong gulang na lalaki sa lamayan sa Barangay Lagdungan, Tapaz, Capiz.
Nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima na si Silvestre Frial ng nasabing lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Tapaz PNP na nanonood ng sugal sa isang lamayan sa kanilang lugar ang biktima ng biglang dumating ang suspek na si Ronnie Palomar at biglang inundayan ng saksak ang kawawang biktima.
Sa bilis ng pangyayari ay hindi nakakilos ang mga tao sa lamayan hanggang nakatakas ang suspek.
Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Patuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga pulis kung ano ang nagtulak sa suspek para saksakin si Frial.