-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isang 37-anyos na lalaki sa Jamindan, Capiz matapos pagtatagain ng kanyang kainuman.

Kinilala ang biktima na si Joebert Benedicto, residente ng Barangay Igang.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, magkasamang uminom ang biktima at suspek na si Ernesto Benedicto nang magkaroon ng mainit pagtatalo ang biktima at kanyang ama.

Umawat daw ang suspek, pero hindi ito nagustuhan ni Joebert kaya ito ang napagbalingan niya ng galit.

Sa galit ni Ernesto, bigla raw nitong tinaga ang biktima.

Kaagad dinala sa ospital ang si Joebeert para magamot ang natamong mga sugat.

Sumuko naman sa barangay ang suspek, na agad din inihatid sa mga pulis.