-- Advertisements --

NAGA CITY – Putol ang mga daliri ng isang lalaki matapos pagtatagain sa Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Godefredo Panen, 56-anyos, residente ng Zone 3, Brgy. Mabini, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang pauwi na ang biktima sa kanilang bahay ng ito ay pagtatagain ng suspek na kinilalang si Selvestre Albaro, 40-anyos, residente kan Brgy. Loba-Loba sa nasabi ring bayan.

Sa inisyal na imbestigayson ng mga otoridad, nabatid na ang naturang pananaga ng suspek kay Panen ay dahil sa matagal na nitong galit sa biktima.

Kaugnay nito, dahil din sa insidente, naputol ang mga daliri sa kanang bahagi ng kamay ng biktima na agad namang dinala sa ospital.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad lalo na ang pagtunton sa kinaroroonan ng suspek na agad namang tumakas matapos ang naturang insidente.