-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Sinampahan na ng kasong murder at frustrated murder ang isang lalaki sa bayan ng Sta. Josefa, Agusan del Sur matapos nitong patayin sa taga ang kinakasama ng kanyang kapatid sa Purok 4, Brgy. Poblacion kungsaan nadamay pa ang kapitbahay na pumigil sa kanila.

Patay ng dumating sa ospital sa bayan ng Bunawan ang biktimang si Joel Morales, kinakasama ng kapatid ng suspetsadong si Arnel Durado, parehong residente ngnasabing lugar.

Ayon kay Police Staff Sgt. Layla Eribal ng Sta. Josefa Municipal Police Station, may personal ng alitan ang dalawa.

Na-trigger ito nang makitang sinuntok biktima ang kanyang amang si Danilo Durado kung kaya’t kumuha ito ng itak at pinagtataga ang biktima kungsaan nadamay pa si Rodel Harungay na syang pumigil sa kanila.

Kasama sa kinasuhan ng frustrated murder ang ama ni Arnel na patuloy pang pinaghahanap ng ito’y tumakas matapos ang insidente.