-- Advertisements --
Patay ang isang lalaki sa Arizona matapos uminom ng gamot na inakalang laban sa coronavirus 2019 o COVID-19.
Nasa malubhang kalagayan naman ang asawa nito kung saan kapwa nasa mahigit 60-anyos ang edad ng dalawa.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad uminom ang mag-asawa ng gamot na isang uri ng chloroquine na pinaniniwalaan ng mga biktima na proteksyon nila laban sa virus.
Sinabi ng babaeng biktima na napanood niya si US President Donald Trump na tinalakay ang potensiyal na benepisyo ng chloroquine bilang gamot ng COVID-19.
Ang nasabing droga ay aprubado ng US Food and Drug Administration (FDA) sa paggamot ng malaria, lupus at rheumatoid arthritis pero wala pang pag-aaral na gamot sa COVID-19.