-- Advertisements --

Napatay ng kaniyang alagang kangaroo ang isang 77-anyos na lalaki sa Australia.

Ayon sa mga otoridad, natagpuan nila ang bangkay ng biktima na nagtamo ng mga matinding pinsala sa katawan mula pag-atake ng kangaroo sa loob ng bahay nito sa Perth, Australia.

Sinubukan pang pigilan ng kangaroo ang mga medical crew na gamutin ang biktima.

Dahil dito ay napilitang barilin ng mga pulis ang nasabing kangaroo at ito ay kanilang napatay para agad na malapitan ang biktima na agad ding namatay.

Aabot sa 50 milyong mga kangaroo ang naninirahan sa Australia na mayroon silang bigat ng hanggang 90 kilos at laki ng anggang dalawang metro.

Ito ang unang insidente ng pagpatay ng kangaroo ng tao na naitala matapos ang 86 taon.