-- Advertisements --
Nakapagtala ng record ang isang lalaki sa Austria sa may pinakamatagal na nanatili habang pinalibutan ng yelo.
Nakasuot lamang ng trunks si Josef Koeberi ng ipasok ito sa transparent na kahon na nilagyan ng 1,800 kilos na yelo sa Melk, west Vienna.
Tumagal ito ng dalawang oras, 30 minutes at 53 seconds.
Dahil dito ay nahigitan ng 43-anyos na si Koeberi ang record na hawak ni Songhao Jin ng China na mayroon lamang 1 hour, 53 minutes at 10 seconds noong 2014.
Nahigitan din ni Koeberi ang kaniyang sarilng record noong nakaraang taon na mayroong dalawang oras at walong minuto sa Vienna.
Target naman nito sa susunod na taon ay umabot ng tatlong oras.