-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki sa pamamaril ng umano’y mga armadong grupo sa Barangay Maligaya, Caramoan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Rodrigo Buenaagua Jr 35-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na bigla na lamang pinagbabaril ng anim na armadong kalalakihan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na nagresulta sa pagkamatay nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.