-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay ang isang lalaki sa Barangay Mangilag Sur, Candelaria, Quezon pagkatapos itong pagbabarilin.

Kinilala ang biktima na si alyas Virgilio, 48 anyos, residente ng Sitio GK Velasco Brgy. Concepcion 1, Sariaya Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nakatayo sa may daan sa Brgy. Mangilag Sur, Candelaria si alyas Virgilio nang bigla na lang dumating ang armadong suspek at sa hindi pa nalalaman na rason, bigla na lang nitong pinagbabaril si Virgilio, kung saan tinamaan ito sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Kaagad na itinakbo ang biktima sa isang ospital para sa agarang lunas, ngunit idineklara rin lang ito na dead on arrival ng doktor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, kaagad aniya na tumakbo ang suspek pagkatapos ng insidente papunta sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, dala ang armas nito.

Nakuha naman ng mga imbestigador ang limang basiyo ng bala ng kalibre 45 baril sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nabanggit na insidente.