Arestado ang isang lalaki matapos na magtangkang magpuslit ng mahigit 100 na ahas sa mainland China.
Inilagay ng suspek ang mga ito sa kaniyang pantalon ng masita ito ng mga customs officers ng Shenzhen.
Nangyari ang insidente sa Futian Port ang checkpoint sa pagitan ng Hong Kong at mainland China.
Sa pagsisiyasat ng mga otoridad nakita nila ang anim na canvas drawstring bags na selyado ng tape at nakalagay ito sa bulsa ng kaniyang pantalon.
Mayroong kabuuang 104 na iba’t-ibang uri at kulay ng mga ahas.
Ilan sa mga uri nito ay ang milk snake, western hognose snake, corn snake, Texas rat snake at bullsnake.
Noong nakaraang buwan naman ay isang lalaki ang naaresto ng magtangkang magpuslit ng 454 na mga endangered na mga pawikan mula Macau patungong mainland China.