-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki sa Florida matapos na pagnasaan daw ang mga stuff toy sa isang mall.

Unang pumasok ang 20-anyos na si Cody Meader sa toy section ng mall at kinuha ang stuff na Olaf na mula sa pelikulang “Frozen.”

Inilagay nito sa sahig ang stuff toy at doon pinatungan niya hanggang sa ito ay “malabasan.”

Pagkatapos noon ay lumipat pa ito sa kabilang puwesto subalit agad na itong inaresto ng mga rumespondeng kapulisan.

Inamin ng suspek na mayroon itong sakit kaya nagagawa niya ang insidente.

Dahil sa pangyayari ay pinagbayad ito ng $200 o katumbas ng mahigit sa P10,000.
.