-- Advertisements --

Wala ng buhay nang matagpuan ang apat na bata at ina nito sa tinitirhang apartment umaga pagkatapos ang araw ng pasko sa France. 

Duguan ang ina at dalawang babaeng anak nito dahil sa dami ng saksak sa katawan habang wala namang sugat ang apat na taong gulang na anak at sanggol na edad siyam na buwan. Pinaniniwalaan ng prosekusyon na ang dalawang batang lalaki ay sinuffocate o nilunod hanggang sa mamatay.

Inaresto naman ng pulisya ang 33-year old na ama ng apat na bata na mayroong history ng mental illness. Noong 2019 ay sinaktan na nito ang kanyang asawa pero hindi nagsampa ng kaso ang babae. 

May natagpuan din sa tinitirhan ng pamilya na medical records at documents na na-admit sa psychiatric unit ang suspek at prescriptions ng anti-depressants at tranquilizers.