-- Advertisements --

Nakuha ng 28-anyos na French daredevil na si Remi Ouvrard ang world record sa pagtayo sa lumilipad na hot air balloon.

Umabot sa 4,016 meters o 13,175 talampakan ang taas na naitala ni Ouvrard.

Ang nasabing hotair balloon ay minamaneho ng kaniyang ama sa western France.

Isinagawa nito ang stunt habang nakasuot siya ng astronaut suit sa taunang Telethon charity event ng France.

Hawak niya noon ang record noong 2019 na nakatayo sa hotair ballon sa taas ng 1,217 meters.