-- Advertisements --

VIGAN CITY – Dead on the spot ang isang lalaki matapos barilin ng kanyang kapatid sa Brgy. Labut Norte, Santa.

Nakilala ang biktima na si Edilberto Nartatez, 57; habang ang suspek ay si Modesto Nartatez, 61, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Modesto, nagwala umano ang kanyang kapatid kagabi nang mamatay ang kanyang manok.

Ngunit kaninang umaga nang tanungin nito ang biktima bigla na lang inilabas ni Edilberto ang kanyang samurai at tinangkang saktan ang kapatid kaya niya ito nabaril.

Aniya, self defense ang nangyari at matagal na umano silang may pagtatalo ng kaniyang kapatid.

Sa ngayon, inihahanda na ng Santa Municipal Police Station ang kasong isasampa laban kay Modesto.