-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang driver ng motorsiklo na nakipag-drag racing umano matapos nasagasaan ng 10-wheeler truck sa Barangay Tacas, Jaro, Iloilo City.

Ang driver ng motorsiklo ay si Niel Aldrin Socorro, 19, residente ng Barangay Pagsanga-an, Pavia, Iloilo at ang driver naman ng truck ay si Denmark Gambito, 36 ng Buenavsita, Guimaras.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Chief Master Sergeant Julius Uy, traffic investigator ng Traffic Enforcement Unit, sinabi nito na pawang matulin ang takbo ng truck at motorsiklo ng mangyari ang head-on-collission.

Nagtamo ng patal na sugat ang driver ng motorsiklo matapos pumailalim sa truck na siyang ikinamatay nito.

Detained naman sa Jaro Police Station ang driver ng truck at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at reckless imprudence resulting in damage to property.