-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nalibing ng buhay ang 24 anyos na lalaki matapos gumuho ang hinuhukay na lupa sa Lemery, Iloilo.
Ang biktima ay si Daniel Biana, residente ng Barangay Carmelo, Banate, Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Capt. Edwin Belarmino, hepe ng Lemery Municipal Police Station, sinabi nito na nasa ilalabin ng hukay si Biana kasama ang dalawang iba pa ng gumuho ang lupa.
Tinatantiyang 10 talampakan na ang lalim ng hinuhukay nilang lupa.
Ang dalawang kasama ng biktima ay mabilis na nakaligtas.
Dinala pa sa ospital si Biana ngunit idineklarang dead on arrival.