-- Advertisements --

Patay ang isang lalaki matapos na mahulog sa sink hole na bumukas sa isang swimming pool sa Israel.

Naganap ang insidente habang nagkakaroon ng isang company event sa Karmi, Yosef kung saan isang empleyado ng kumpanya ang 32-anyos na lalaki.

Inaresto naman ang mag-asawa na siyang nagpasimuno ng kasiyahan.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad masayang lumalangoy ang biktima ng biglang hinigop ito ng tubig at ito ay nahulog sa butas na mayroong lalim na 43 talampakan.

May isa pang lalaki ang nahulog sa butas subalit mabilis na rin itong nakatayo.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa insidente.