Inireklamo ang isang 20-anyos na mag-aaral sa Kazakhstan matapos na magpanggap na babae para makapag-exam para sa kasintahan.
Ang girlfriend nito ay nababahala kasi sa kanyang nalalapit na unified national testing, isang test na kinukuha ng mga Kazakhs para makapasok sa isang unibersidad.
Sa sobrang pagmamahal ng lalaki na si Ayan Zhademov, ay nakahanda itong sumugal para sa kasintahan.
Kaya ito ay nag suot ng wig, tiny shirt at gray mini skirt at pumasok sa exam room at nag bakasakaling ma-ipasa ang test para sa kanyang kasintahan.
Ng mapansin ng mga proctors ay agad itong pinatawag at inimbestigahan at nalaman na ito ay lalaki pala.
Agad ding pinagmulta si Zhademov at nakakuha naman ng papuri mula sa fellow students nito kabilang na ang isang businessman na si Olzhas Hudaibergenov na binayadan ang kalahati ng kanyang multa.
Habang ang girlfriend naman ay naka ban sa pagkuha ng exam at kailangang maghintay sa susunod na taon.