Lumalabas sa isinagawang forensic analysis ng NBI Cybercrime Division na ang lalaking gumagamit ng droga sa viral video na kumakalat sa social media ay hindi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang pulong balitaan, ipinakita ng NBI ang mga larawan ng kanang tenga ni PBBM at ng lalaki sa viral video.
Ayon kay Dr. Reuel Cruz ng NBI Medico-Legal division, ang mga tenga sa mga larawan ay hindi iisa at hindi pareho.
Sinabi ni Cruz na mas malaki ang bingaw ng tenga ng pangulo kesa sa nasa video. Sinabi rin niya na mas naka-huima ang antitragus sphere ng Pangulo.
Kaya nangangahulugan aniya na ang larawang ito ay tiyak na hindi pareho.
Dagdag pa ni Cruz na ang tenga ng isang indibidwal ay natatangi.
Sinabi ni NBI Cybercrime Division Chief Atty. Jeremy Lotoc na ang mga larawan ay sinuri gamit ang video spectral comparator (VSC), isang proseso ng imaging para sa forensic examination at authentication.
Ang mga natuklasang ito ng NBI ay pinagtibay din ng PNP.
Sinabi naman ni PNP-Anti-Cybercrime Group director Brigadier General Ronnie Cariaga na may malaking pagkakaiba sa mga katangian ng lalaki sa video, tulad ng hugis ng mga mata, ilong, at sideburns.
Sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Andres na may malakung lead nq ang DOJ sa mga posibleng salarin at tinitingnan ng ahensiya kung ang mga indibidwal na nagbahagi ng video ay maaari ding managot.