TACLOBAN CITY — Patay ang isang lalaki matapos madisgrasya ang minamaneho nitong motorsiklo at nasagasaan pa sa Barangay 76 Fatima Village, Tacloban City.
Ang biktima ay kinilalang si Christian Ronald Darci, 31-anyos, residente ng Tanauan,Leyte.
Ayon kay Pol. Maj. Edwin CaƱamaque, station commander ng Tacloban City Police Station 1, natumba ang minamanehong motorsiklo ng biktima sa gitna ng kalsada kaya’t nahulog ito. Bigla namang sumulpot ang isang SUV sa naturang kalsada kayat nasagasaan ito at nahila pa ilang metro ang kanyang katawan.
Agad namang dinala sa ospital ang biktima pero idineklara na itong dead on arrival.
Boluntaryo naman sumuko ang driver ng SUV na kinilalang si Carl Lescabo, 23 anyos at ngayon ay nananatili sa kostudiya ng mga otoridad.