-- Advertisements --

Arestado ang isang 25-anyos na lalaki sa Michigan matapos na magbanta na maghahasik ng kaguluhan kapag manalo si dating US President Donald Trump.

Ang suspek na kinilalang si Isaac Sissel ay nagpadala ng mensahe sa FBI National Threat Operation Center sa West Virginia.

Nakasaad sa mensahe nito na magsasagawa ito ng atake laban sa conservative christan filth kapag manalo si Trump.

Nakasaad sa mensahe nito na may ninakaw siyang ar15 na baril na kaniyang gagamitin sa pag-atake.