-- Advertisements --

Dinampot ng mga kinauukulan sa Norway ang isang lalaki matapos magpaputok ito sa loob ng isang moske, na nag-iwan ng isang sugatan.

Ayon sa pulisya, namaril ang gunman sa Al-Noor Islamic Centre, malapit sa kabisera ng bansa na Oslo nitong Sabado.

Bagama’t hindi pinangalanan ang suspek, inilarawan ito ng pulisya bilang isang “young white man.”

Sinabi naman ng mosque director na si Irfan Mushtaq, ang biktima ay isang 75-anyos na miyembro ng kanilang congregation.

Inihayag pa ni Mushtaq na bitbit umano ng suspek ang dalawang armas na mistulang shotgun at isang pistol.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na wala umanong kasabwat ang suspek. (BBC)