-- Advertisements --

Kinilala bilang oldest living man sa buong mundo ang ilang lalaki sa Puerto Rico.

Si Emilio Flores Marquez na edad 112-anyos at 326 days old ay pormal na kinilala ng Guiness World Record.

Pangalawa siya sa 11 magkakapatid kung saan ang ama ni ay nagtatanim ng mga tubo.

Ang asawa naman nito na 75-anyos na si Andrea Perez De Flores ay pumanaw na noong 2010 kung saan mayroon silang apat na anak.

Kilala siya sa tawag na “Don Milo” ng mga kaibigan.

Sinabi nito na ang sekreto niya sa mahabang buhay ay magmahal lamang.

Tinuruan siya ng kaniyang ama na mahalin ang sinuman at gumawa ng maganda.

Unang nakilalang oldest living person si Dumitru Comnescu na pumanaw nooong Hunyo 27, 2020 sa edad 111-anyos at 219 araw.