-- Advertisements --
Patay ang isang lalaki matapos nitong sunugin ang kaniyang sarili sa harap ng Japan Embassy sa Seoul, South Korea.
Batay sa pahayag ng Jongno Fire Station, hinihinala na gumamit ang 70-anyos na suspek ng 20 litro ng gasolina at butane gas saka nito sinilaban ng apoy ang kaniyang sarili.
Nangyari ang insidente bandang 3:24 ng umaga.
Ilang oras lamang matapos itong itakbo sa ospital ay namatay din kaagad ang matandang lalaki matapos nitong magtamo ng second-degree burn sa kaniyang dibdib, braso at mukha.
Hindi pa batid ng mga otoridad ang tunay na dahilan ng suspek upang patayin ang kaniyang sarili.